"WALA pang kalahating oras mula nang umalis sila Doc. Gusto mo bang tawagan ko ang daddy mo para sabihin na umuwi ka?" tanong kay Astrid nang matagal na nilang kasambahay na si Vicky. Umiling si Astrid. "It's okay, Ate Vicky. Ayoko namang mapostponed pa ang date nila. Hihintayin ko na lang sila ni Mommy." "Magpapahinga ka muna ba o gusto mong kumain muna? Alam mo bang nakuha ko na rin ang recipe mo sa chicken alfredo? Gusto mo bang ipagluto kita?" Napangiti siya. Ang daming bagay na nagbago sa buhay niya, pero hindi yata kasama roon ang kasambahay nila. Isa lang si Vicky sa hindi humusga sa mga nangyari sa kaniya at sa kaniyang pamilya. She stayed with them. Nag-aalaga na ito sa Mommy niya ay iniintindi pa rin siya nito at ang kaniyang mga kailangan. Noong panahong hindi niya alam kung