MATAMIS na ngiti ni Astrid ang sumalubong kay Revor paglabas niya ng banyo. May discharge notice na siya mula sa doktor na tumitingin sa kaniya at iyon nga ang araw ng kaniyang paglabas sa ospital. “Ready na bang umuwi ang mahal ko?” He smiled. Masuyo siyang lumapit dito at ipinaloob sa katawan at mga braso ang katawan ng babaeng mahal. Buong pag-iingat din siya nitong niyakap. Pinagmasdan niya ang buong silid. He recalled those days and nights that he spent there. Walang kapaguran ang pag-aasikaso na ibinigay sa kaniya ni Astrid. Halos hindi ito umuwi at umalis sa tabi niya. She was always there, nakaalalay sa kaniya sa kabila nang maselan din na kalagayan nito. Kapag sinasabihan niya itong tumigil at magpahinga, sinusunod naman siya nito, pero sa kada kilos niya ay naroon din agad si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books