MALAMIG ang hanging humihihip sa direksiyon ni Astrid. Alas kwatro pasado na sila umalis ng building ng dC Oil and Gas. They were already at the terminal in Pampanga as early as five in the morning. Kulang pa siya ng tulog dahil mag-aala una na siya dinalaw ng antok at alas tres pa lang ay kumikilos na siya para sa pag-alis. At si Manong Jolie na driver nina Liam ang kumuha sa kaniya sa condo para ihatid sa building ng dC. Pinagsalikop niya ang harap ng suot na cardigan at naisip na pumasok na lang ulit siya ng van. Though the assistant was there to provide them the access, wala pa ang iginagalang na CEO ng mga ito. She was half-excited, half-anxious. Iniisip niya agad kung paano ang magiging second meeting nila ni Mr. Dorrance. Tumingin ulit siya sa orasan at nilingon ang ilang kasama n