"WORRIED lang si Mr Abelardo. Masyado raw kasing halata ang interes sa'yo ng CEO ng RBD." Mariin ang pag-iling ni Astrid sa sinabi ni Liam na nasa kabilang linya. She felt her face reddened. Hindi niya naisip na may ganoong akala ang matandang VP. "Huwag kang maniwala kay Mr. Abelardo. Mr. Dorrance is... a professional businessman. Hindi por que lagi niya akong kasama ay may iba na siyang interes sa akin. Remember na tayo ang may kailangan sa kaniya." She sounded defensive. Ang hirap naman kasi kumalma kapag alam mong may mali sa iniisip ng mga tao. Kung alam lang ni Liam kung sino itong CEO ng RBD. She heard him sighed. Halos naiimagine pa niya ang pagkikibit-balikat ng kaibigan. "'I don't know, Astrid. Gusto kong mag-alala rin para sa'yo lalo na ngayon na solo kayo riyan sa hotel sama