"THIS is about Ybram, Hija..." walang ligoy na simula ni Tita Barbie kay Astrid. She looked at the woman. Noon lang niya naalala ulit ang tungkol sa ex-boyfriend. Sa mga sandaling magkasama sila ni Revor ay ni hindi siya ginambala ng alalahanin tungkol sa natanggap na text mula kay Ybram. Tiningnan niya ang mga kamay. She started to feel the anxiousness. Pinagsalikop niya ang mga daliri sa kandungan, pinisil-pisil ang mga iyon at tumingin muli sa kausap. "Nag-message po siya sa akin kanina, Tita. He was mad at me." "Hindi natin siya masisisi. And I'm guessing, hindi mo talaga nasabi sa kaniya na ikakasal kayo ni Revor no’ng magkita kayo at mag-usap? Dahil kung may alam siya ay hindi niya ako kokomprontahin kaninang pagdating ko." Marahan siyang umiling. "Naisip kong huwag na munang s