"GOOD morning, Hija!" nakangiting bati ng Mommy ni Astrid pagpasok nito sa dining. "Morning, Mommy!" Humalik siya sa ina bago ito dumirecho sa upuan sa kabisera. Inilapag ni Vicky ang tasa ng kape sa harapan nito. Dinampot agad naman nito ang kape at sumimsim doon. "O, bakit tayo lang sa breakfast? Nasa'n si Revor?" "Tapos na siya, Mom. Kaaalis lang din niya. Enrolment nila ngayon." "Hindi mo siya sinamahan?" She creased her brows. Tumingin sa ina na may itinatagong ngiti sa mga labi. She pouted. "Kailan pa ako naging chaperone ng bisita n'yo?" Marahang tumawa si Olivia. "Bisita?" ulit nito at muling sumimsim sa tasa ng kape. "Ang tinutukoy mong bisita ay magiging manugang ko na. And of course, you're not his chaperone. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Napansin ko lang na halos hi