ALAS tres pa lang ng hapon ng Linggo ay pumipili na ako ng isusuot para sa dinner mamaya sa mansion ng mga Gamboa. I picked a simple lace dress and strappy sandals. I don’t want Attorney's family to think that I’m trying to impress them. As much as I could, I want to show them the real me. I took a shower. Habang naliligo, hindi ko naiwasang balikan sa isip ang mga sinabi ni Sir Grant nang puntahan ako sa salon. Kung kinakabahan ako sa pagharap sa pamilya ni Attorney Matthew, mas kinakabahan ako sa muling pagkikita namin ng pinsan niya. Mag-aalas sais nang kumatok si Ate Denden para sabihing dumating na si Attorney Matthew. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko sa salamin bago dinampot ang clutch bag at lumabas. Nakita ko nang mag-angat ng mukha si Attorney Matthew sa may hagdan