IMBES na indahin ko ang insultong ibinato ni Sir Grant ay pinili kong ignorahin iyon. Tumaas ang mga kilay ko at lumaban ng titigan sa kaniya. “Talaga ba? Paano kung ayoko? May magagawa ka?” I saw how his jaws clenched. Mas tumalim ang tingin niya sa akin. “I’ll tell him about our secret.” Natigilan ako. At siguradong hindi ko naitago ang takot na siyang ikinangisi ni Sir Grant. “I’ll do it, Celine. Sigurado akong hindi alam ni Matthew ang tungkol sa nakaraan mo kaya ka niya nagustuhan. I know my cousin. Mapili siya sa babae. What I do not know is how you are able to keep your dark past from him. Sanay ka talaga sa taguan. Anyway, your secret will come out, soon. At ako mismo ang magsasabi noon kay Matthew.” “H-hindi mo gagawin ‘yan.” He smirked. “Hiwalayan mo si Matthew at mananahi