NAGPUMIGLAS si Celine kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Natigilan ako nang maramdaman sa palad ko ang lambot ng kaniyang mga labi at pisngi. I swallowed. Bahagya rin siyang huminto nang salubungin ang titig ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko sa pag-aakalang kalmado na siya at hindi na gagawa ng ingay. Kaya lang ay bumukas ang labi ni Celine at sa takot na sumigaw siya ay maagap ko siyang kinabig sa batok at siniil ng halik. Nakulong sa bibig ko ang sigaw niya. Parang may lindol sa katawan ko habang sakop ng mga labi ko ang mga labi ni Celine. Literal na sumasakit ang dibdib ko sa matinding kaba. It’s been a while. Buong akala ko, sa pangarap ko na lang siya ulit mahahalikan. Akala ko, hindi na darating ang pagkakataong ito na mayayakap ko ulit siya. Sabik ko siyang hi