PAGKABUKAS ng gate ay tumingin sa akin si Sir Grant at inilahad ang kamay sa daraanan. “Mauna ka.” Ilang beses muna akong napakurap, inaalam kung nananaginip ba ako o ano. Para akong robot nang lumakad at huminto sa tapat ng unit ko. “Which one?” tanong ni Sir Grant patungkol sa mga hawak na susi. Wala sa sariling hinawakan ko ang para sa aking pinto. Natitigilan pa rin ako habang pinanonood si Sir Grant. Maya-maya pa ay nabuksan na niya ang pinto ng unit ko. Kumapa siya sa may dingding at bumaha ng liwanag sa loob. “Get inside.” Hindi ako nakilos sa pagkakatayo. Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago siya marahang nagbuga ng hangin. Pagkatapos, hinawakan niya ako sa kamay. Hinila niya ako papasok ng unit. Siya na rin ang nagsarado ng pinto. “Pare-pareho lang pala. Komportable k