Chapter 59

1759 Words

INILAPAG ko ang flower arrangement sa ibabaw ng lapida. “Nandito ulit ako, ‘Nay,” nakangiting bungad ko at sumalampak ng upo sa damuhan. May isang buwan na mula nang magtungo ako sa bayan ng San Manuel, Pangasinan. At mula nang dumating ako ay hindi lumilipas ang isang linggo na hindi ako bumibisita sa puntod ng nanay ko. “Nami-miss mo na ba si Tatay? H’wag kang mag-alala dahil tutuparin ko pa rin ang pangako ko na pagsamahin ulit kayong dalawa.” Hinaplos ko ng mga daliri ang mga letra ng pangalan ni Nanay. Noong nakabalik ako sa Maynila mula sa matagal na paninirahan sa Cebu, isa sa mga dapat na gagawin ko na ay ang ipalipat na ang labi niya. Bumili na nga ako ng lupa sa isang pribadong park para roon ko sana pagtabihin sila nila Tatay, pero dahil sa binuksan kong spa at salon, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD