GUSTO ko sanang balikan si Helga, pero nagdalawang-isip na ako. Makakauwi naman siguro siyang mag-isa. Besides, naroon si Sir Grant kaya hindi niya ako kailangan. Sila na lang ang mag-away-away. Bahala na ang gagong ‘yon na umawat sa mga babae niya. Ayoko nang isali ang sarili ko. Gusto ko na lang lumayo at manahimik at pag-isipan ang susunod na gagawin. Itinuloy ko ang paglalakad palayo sa club habang iniisip kung saan ako pupunta sakaling umalis na ako sa bahay ni Attorney Matthew. That’s the only thing I have to do. Hindi ko naman pwedeng tanggapin ang pag-ibig ni Attorney Matthew. Kung sana ay ganoon kadali para matapos na ang lahat, pero hindi. Napahinto ako bigla nang may pumaradang malaking sasakyan sa harapan ko. I froze as I watched its driver emerged from his seat and closed o