“ANONG sinisilip mo?” Natigilan ako nang may biglang nagsalita. Paglingon ko ay natagpuan kong nakatayo si Kyle sa unahan ng sasakyan ni Grant. Nagulat ako. Hindi ko malaman ang sasabihin dahil hindi ko inaasahan na makikita roon si Kyle. Kasabay ng pagsilay ng ngisi ay nakita ko ang marahang paglakbay ng tingin niya sa aking kabuuan. “Good morning to you.” Kabadong hinawakan ko ang lapel at ang laylayan ng polo ni Sir Grant. Kagigising ko lang. Naalala kong hindi pala ako nakauwi kaya bumangon ako at hinanap ang aking cellphone para tawagan si Ate Denden. Alam nito na umalis ako kagabi, pero siguradong nagtataka ang katiwala kung bakit hindi pa ako nauwi. I remembered na inihagis ni Sir Grant ang bag ko sa backseat ng kotse niya kaya dali-dali akong lumabas ng bahay na tanging underwe