*****ANASIA***** “I love you, sweetheart,” may kasamang flying kiss na sabi ni Reynan bago nito isara ang pinto ng banyo. Mga thirty minutes silang nagpaalaman ni Reynan bago sila naghiwalay at nagpasiyang matulog na. At syempre may naganap ulit na espadahan ng dila. Pasalamat ni Anasia at sa pagkakataong iyon ay nakontrol niya ang sarili na huwag nang lumampas sa halikan ang mainit nilang tagpo kanina. Bago iyon ay nag-usap sila tungkol kay Ehryn. Sinabi ni Reynan na wala na silang dapat ipag-alala sa pamangkin nito. Nangako naman daw na hindi nito ipagsasabi ang natuklasan, na ikinagaan ng kanyang dibdib. Sobrang nahihiya siya dahil kung iisipin ay ilang araw pa lang sila nagkakilala ni Reynan. Tapos may ganoon nang nangyayari sa kanila. Isipin pa na kabubukas lang ang issue ukol s

