*****ANASIA***** “Ang sabi ni Manang Glo ay hindi ka pa bumabangon? What’s wrong, Anasia?” puno ng pag-alalang tinig ni Reynan nang sinagot niya ang tawag nito. Noong isang linggo ay binilhan siya nito ng cellphone kahit ayaw niya. Upang anytime ay maku-contact daw siya kapag may pupuntahan ito tulad na lang kapag kailangan ni Reynan na tumulong sa barangay o kaya naman ay may kailangang asikasuhin sa farm. Tinanggap niya iyon pero ang usapan nila ay sa kuwarto niya lang gagamitin. Hindi niya puwedeng ilabas kapag nasa paligid si Manang Glo. Wala pa ring alam ang matanda tungkol sa lihim na relasyon nila dahil humahanap pa sila ng tyempo na pag-amin. Ayaw nilang mabigla si Manang Glo at baka bigla na lang atakehin sa puso kapag hindi nito matanggap ang sitwasyon. “Masama kasi ang pak

