*****ANASIA***** “Ang mabuti pa ay doon muna tayo sa labas o sa sala upang makapag-relax ka habang hinihintay natin si Reynan. Kung totoong buntis ka ay hindi puwede iyang lagi ka na lang nakahiga. Mahirap pero kailangan mo ring ibangon ang sarili mo,” anyaya sa kanya ni Manang Glo nang medyo natagalan ang pagbabalik ni Reynan mula sa bayan. Ang saglit na sinabi ni Reynan na pagbili ng pregnansy test kit ay naging tatlumpong minuto, isang oras, at ngayon ay dalawang oras na. Muntik na siyang mag-alala pero dahil sinabi ni Manang Glo na baka may nakitang kakilala si Reynan tapos ay napasarap ang kuwentuhan nila ay iwinaksi niya rin. “Sige po, Manang,” pagsang-ayon niya. Pinilit niya ang sarili na umalis sa kama. Hindi naman na masyado masakit ang kanyang puson. “Dahan-dahan lang.” Mai

