*****ANASIA***** Nakahinga siya nang maluwag nang nasa loob na siya ng magiging kuwarto nilang mag-asawa sa modern mansion ni Chairman Diosdado De Mevius. Tumakas siya sa pakikipag-sosyalan. Nagdahilan siyang sumakit ang kanyang ulo. Sinabihan naman siyang ipahinga muna saglit. Bumalik na lang daw siya kapag umayos ang kanyang pakiramdam. Hindi talaga siya komportable na makisalamuha sa mga kamag-anak ni Vernon. Kapag kaharap at kausap niya sila ay pumapasok lamang sa isip niya na hindi talaga siya kabilang sa kanilang pamilya. Nanliliit siya. Nasasaktan lamang siya. Halos lahat kasi sila ay mayayaman. Kung hindi pag-aari ng isang airlines ay pag-aari ang real estate company. Tulad nina Vernon na pag-aari naman ang isang mining company. Kung masisilip siguro ni Anasia ang bangko nila ay

