*****ANASIA***** “Newlady Marcus is coming this afternoon. Sila na ang bahala sa ‘yo,” sabi sa kanya ni Vernon nang makita siyang gising na. At ang tinukoy nitong Newlady Marcus ay isang American chain of luxury department stores. Isa sa mga serbisyong binibigay nila ay dalhin sa mga bahay mismo ang mga kailangan ng mga client nilang mayayaman. Tulad na lang ng mga damit, sapatos, alahas, at kung anu-ano pa. “Bakit?” awtomatiko na lumabas sa kanyang bibig na katanungan. “What kind of question is that?” Alam na ni Anasia na maliban sa lilipat na sila roon na mag-asawa sa mansyon ng mga De Mevius mamayang gabi ay may salu-salo rin na magaganaP, at mga malapit na parte ng pamilya lamang ang dadalo. Pasasalamat daw ni Chairman Diosdado dahil naging ligtas halos lahat sa Covid-19 ang pamil

