*****REYNAN***** Madilim pa rin nang biglang magising si Reynan. Ginising siya ng matinding pag-alala, ngunit kung para saan na pag-aalala iyon ay hindi niya alam. Basta kinakabahan siya kaya humihingal siya. Pinagpapawisan din siya ng malapot. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay na napaisip. But he sure he didn’t have bad dreams or nightmares. Nang tingnan niya ang tabi niya ay lalong kumunot ang kanyang noo, wala kasi roon si Anasia. Nasaan ang kanyang asawa sa ganoong oras? Bumalikwas siya ng bangon at dali-daling hinagalip ang asawa sa kuwarto, sa banyo, at sa kabilang kuwarto, ngunit wala si Anasia. Pagkalabas niya ng silid ay hinanap niya rin sa may kusina si Anasia ngunit wala rin doon. Napansin niyang kahit man si Manang Glo ay nawawala rin. Wala rin sa kusina at sa kuwart

