*****REYNAN***** Pasado alas-singko na ng hapon nang nagpaalam sa kanya sina Tyron at Maja. Inihatid niya ang mga ito sa kinapaparadahan ng kotseng sinakyan nila. Hindi na siya sasama sa kanila. Pinaunlakan na niya ang hiling ng bilyonaryo niyang ama na manatili na siya sa mansyon. Hindi raw nito pinagdududahan ang pagiging De Mevius niya kaya marapat dapat na makasama na siya ng mga ito. Isa pa’y maaga nga raw na it-test sila bukas ng kukuha sa DNA nila. “Sigurado ka bang magpapaiwan ka rito? Hindi ka natatakot sa kakambal mo? Parang may pagka-demonyo rin, eh. Pansin ko lang,” paniniguro sa kanya ni Tyron. “Hindi lang parang. Demonyo talaga si Vernon. Baka nga pinagpaplanuhan na niya ngayon kung paano tayo papatayin na dalawa kasi kakampi tayo ni Reynan,” walang bahala na sabi rito

