*****REYNAN***** “Tita Juanita, nagkakamali po kayo. Um—“ Reynan stopped at what he wanted to say. Hindi malaman kung paanong uumpisahan ang pagpapaliwanag sa nanay ni Kwinee dahil alam niyang madaming maaapektuhan oras na isiwalat niya ang katotohanan. Hindi niya inasahan ang pagsugod nito. At may kasama pa talagang mga resbak mga kaibigan. Sina Aling Vergie at Aling Esteling na mga tsismosa ng kanilang barangay. “Anong nagkakamali?! Hindi ako tanga, Reynan?!” Mas lalong nagalit si Aling Juanita. Dinuro nito si Anasia. “Kung nagkakamali ako ay bakit may kasama kang ibang babae ngayon?! Sino siya?” “Magandang hapon po. Ako po si Anasia,” sa kabila ng pangamba na baka biglang sugurin ni Aling Juanita ay bati pa rin dito ni Anasia. Nginitian at niyukuan bilang paggalang. “Anong maganda

