*****VERNON***** “Sir, na-trace na ni Ponso ang mga CCTV kung saan nagpunta si Miss Anasia,” balita ng kanyang tauhan nang sagutin niya ang tawag. Si Ponso ay ang hacker sa mga tauhan ni Vernon. Nakahalita pa si Vernon sa kama kanina nang makatanggap siya ng tawag. First time na tinatamad siya sa pagpasok sa opisina and he didn’t know why. He felt like something was missing every time he woke up, nalulungkot siya, parang pagod na pagod na hindi naman niyanaramdaman noon. Simula pagkabata ay namulat na siya sa kompanya ng kanyang Dad. At nang namatay ang kanyang Mommy Stella edad disi-sais ay tinuruan na siya ng ama kung paano patakbuhin ang Mevius Bank Group of Companies. Pati ang kanyang kurso noon sa kolehiyo ay pinalitan ng kanyang Dad. Itinatak na sa kanyang utak ng Dad niya na pag

