*****ANASIA***** Tahimik na pinapanood ni Anasia ang mango farm mula sa balcony ng lumang bahay. Kulay berde ang malawak na lupain kaya kay sarap sa kanyang paningin ang tanawin. Idagdag pa ang preskong hangin na kanyang nalalanghap mula napadpad siya sa lugar na iyon. Noon ay nabo-boring siya sa buhay probinsya. Kapag nga umuuwi siya sa Mindoro ay talagang dalawa o tatlong araw lang ang kanyang itinatagal. Mas sanay na siya sa buhay Maynila na magulo at maingay. Pakiramdam niya ay hindi na siya mabubuhay sa probinsiya, na kanyang ikinagi-guilty dahil heto’t dito sa probinsya rin pala tatakbo ngayong may tinatakasan siyang buhay sa magulong lungsod. Sa ganoong sitwasyon, na may tinatakasan siya, ayaw na niyang bumalik sa Maynila kahit kailan sana. Bumaliktad na ang gulong ng kanyang bu

