*****VERNON***** “I don’t know!” galit na wika ni Vernon pagpasok pa lang sa opisina. “She just left me all of a sudden. Not telling me anything. No warnings. And I don't have any idea where the hell she's at now. Para siyang naglahong parang bula. Damn it!” “Bago ang kanyang pagtakas, sinaktan mo na naman ba siya?” matabang na tanong ng kakambal na kausap. Si Jernon De Mevius. “Of course not.” Diretso siya sa kanyang executive chair at umupo. Binuklat ang documents sa harapan. Si Jernon ay pinili ang kanang silya na pasadyang nasa harapan ng executive desk. Umupo at prenteng nag-cross legs. “Really?” at saka tila tamad na tamad nitong sinabi lang. Kinuha ang mamahaling fountain pen sa pen holder at nilato nito sa daliri. Masama ang tinging itinaas niya sa kapatid. “Why don't you

