***** ANASIA ***** “Ang mga magulang mo pala? Baka magalit na magpapatira ka sa ancestral house niyo ng estranghero?” lakas-loob na tanong ni Anasia nang matantiya niyang malapit na sila sa lumang bahay. Pinabagal na rin ni Reynan ang takbo ng kabayo. Ang ulan ang wala yatang balak na tumigil sa pagbuhos. Lalo pang lumalakas kaya naman basang-basa na naman sila parehas ni Reynan. Para ba’y may bagyo na. “Wala si Mama, nasa Singapore. Dinalaw niya roon ang kapatid kong nanganak pero naabutan siya ng lockdown kaya hindi pa makakauwi,” blangko ang tono ni Reynan. Wala talaga itong ipinag-aalala sa pagkupkop sa kanya. “Ganoon ba,” mahinang bigkas niya. She could not understand why and for what the nostalgia she was feeling. Pinilit lang niyang kinumbinsi ang isipan na baka dahil naalala n

