*****ANASIA***** “Bakit parang wala kang tulog, iha? May naging problema ba?” Nagtatakang tinitigan siya ni Manang Glo. “Namumutok ang eyebags mo.” “Wala naman po. Namamahay lang po yata ako kagabi,” pagsisinungaling ni Anasia. Sapagkat ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog. Sa kanyang pag-iisa ay hindi tinantanan ni Vernon ang kanyang utak. Kung anu-ano ang pumasok sa kanyang isipan. Magkahalong pag-alala sa asawa at takot na baka hanapin o ipahanap siya. She knew Vernon would easily find her if he would use his money and connections. Pero upang mapanatag kahit paano ang kanyang kalooban ay inisip na lang niya na walang magagawa ngayon si Vernon dahil sa lockdown. Mahiharapan itong kumilos o pakilusin ang mga tauhan nito gawa ng mga nagkalat na mga checkpoint. Sa balita nga sa TV

