*****ANASIA***** Hindi na napigil ni Anasia ang sarili. Habang magkasugpong ang mga labi nila ni Reynan at kumawala ang impit na kanyang hagulhol. Ang dapat na itutulak ay mahigpit siyang napakapit sa malapad na dibdib ni Reynan. Na para bang siya ay malulunod kung siya ay mapapabitaw. Takang napatigil si Reynan sa paghalik sa kanya. Pagkuwa’y humihingal itong marahang itinulak siya. Binigyang puwang ang pagitan nila para makita ang kanyang mukha. “Ano ba talagang nangyayari sa ‘yo, Anasia?” at napakahinang tanong nito. Idinikit nito ang noo sa kanyang noo. “Sabihin mo sa akin. Anong ginawa sa ‘yo ng gago mong asawa?” “W-wala,” iling niya. “Mayroon. Nararamdaman kong meron kaya huwag kang magsinungaling, Anasia.” Gusto na niyang magtapat pero dahil naunahan siya ng takot ay madami

