*****REYNAN***** Kay lalim ng pagkakanuot-noo ni Reynan habang nakatingin sa mag-asawa. Nakangiti sa kanya si Vernon habang si Anasia na nasa tabi nito ay blangko ang ekspresyon ng mukha. Nakatingin din sa kanya pero walang mabubukas na ano mang emosyon rito. Ang mga kamay ni Anasia ay nakadantay sa magkabilang balikat ni Vernon na nakaupo sa executive chair. “Come in,” untag sa kanila ni Vernon nang parang wala na silang balak na pumasok ni Tyron sa opisina nito. Tumayo ito’t inilahad ang munting sala sa loob. May sofa roon at flat screen TV. Nakita ni Reynan sa gilid ng kanyang mga mata na napatingin sa kanya si Tyron kaya tumingin din siya rito. Pasimpleng umiling ang kaibigan. Nabasa niya sa mga mata nito ang mga salitang ‘Huwag na tayong pumasok, dude’. Nauunawaan niya si Tyr

