***ANASIA*** Hating gabi na nang makapagpahinga sina Reynan at Anasia. Syempre sa kuwarto nila noon ang ginamit nila. Hindi na kasi sila tinantanan ni Madam Azon sa kakatanong at kakamusta, idagdag pa si Manang Glo. Humanga si Anasia dahil walang nagbago sa kuwarto nila. Pati na iyong banyo na dalawa ang pinto. “Mananatili bang ganyan ang banyo?” tanong niya sa asawa. “Ikaw? Pero ang tingin ko ay mas magandang ganyan na para may kuwarto agad ang baby natin kapag lumabas siya.” Hinaplos ni Reynan ang tiyan niya. “’Di ba, baby ko?” “Oo nga pala. Kailangan natin ng nursery room.” Nagningning naman na ang kanyang mga mata. Agad na nakaramdam siya ng sobrang excitement. Gusto na niya agad ayusin ang magiging kuwarto ng kanilang anak. Tumayo si Reynan at nagsalin ng alak sa kopeta saka

