PART 56

1718 Words

*****REYNAN***** “Ibig sabihin ay kakambal mo si Vernon de Mevius, Reynan? Naku po,” bilog na bilog ang mga matang baling sa kanya ni Kwinee. Animo’y nasilyaban naman ng apoy ang puwetan niya dahil sa pabigla niyang pagtayo. Sa naniningkit na mga mata’y tinitigin niya si Aling Guada. Lumuluhang sinalubong iyon ng matanda. “Patawarin mo ako,” at sa huling pagkakataon ay paghingi ulit nito ng kapatawaran sa kanya. Hindi mailarawan ang damdamin ni Reynan dahil sa halu-halong emosyon. Napailing siya nang ilang beses habang matamang tinititigan niya pa rin ito. Kinabisado niya ang mukha ng babaeng nakialam sa kanyang buhay. “Reynan, maawa ka,” lapit na sa kanya ni Manang Glo. Nakikiusap ang ekspresyon ng mukha nito. Nakikiusap na patawarin niya ang kapatid nito. Sinubukan nitong hawakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD