***VERNON*** “Paano ‘yan, sir? Lockdown na. Itutuloy pa ba namin ang paghahanap sa ‘yong asawa?” tanong ng isang tauhan kay Vernon. Titig na titig si Vernon sa kanyang laptop. Naroon ang article na nagsasabing magla-lockdown na ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang maagapan ang pagkalat ng Covis-19 virus. Kanina pa niya iyon nabasa pero hindi niya agad naialis ang tingin doon. “Siguradong magkakalat ang madaming checkpoint,” sabi rin ng isa. “Anong silbi ng ibinabayad ko sa inyo?” hindi nagtagal ay galit na galit niyang bulyaw sa dalawang tauhan. Kulang na lang ay masira ang mamahaling laptop nang isara niya. Animo’y nalatigo ang dalawang tauhan na sinabihan. Takot na takot silang nagyulo ng ulo. Iglap na nawala ang mga angas sa katawan. “May dalawang araw na kayong naghanap ano

