**** ANASIA ***** “Magla-lockdown na bukas. Huwag mong sabihing hindi ka pa aalis? Hindi ka puwedeng manatili rito dahil ano na lang ang sasabihin ni Ate Kwinee? Baka magselos ‘yon tapos mag-away sila. Hindi ka ba mahihiya?” mataray na lingon ni Ehryn kay Anasia pagkatapos ang balita na lockdown. Isinasaugali talaga ang pangalan nitong tunog ‘Reyna’. Ang saglit lang sanang pagbisita kay Kuya Reynan nito ay nagtagal hanggang tanghali dahil sa presensya ni Anasia. Wari ba’y nagbabantay na. “Ehryn, huwag mo namang pagsabihan ng ganyan ang Ate Anasia mo, l” malumanay na saway rito ni Manang Glo sa malditang dalagita. “Totoo naman ang sinasabi ko, manang. Baka dahil pa sa kanya ay ibe-break ni Ate Kwinee si Kuya Reynan." Anasia at Reynan exchanged glances. “Hindi naman siguro dahil tinu

