*****REYNAN***** Muntik-muntikan nang tuluyang mawala siya sa katinuan. Laking pasalamat niya’t bigla siyang natauhan. Bigla ay napamulagat siya’t itinulak sa magkabilang balikat si Anasia upang kumawala na ito ng yakap sa kanya. Their eyes met and locked. Umiling siya. Ipinakita niya kay Anasia na sa huli ay hindi niya nagustuhan ang nangyari. Na hindi na naman tama ang kanilang ginagawa. Pagkuwan ay hinila na niya ito pataas sa tubig. Sabay silang napasinghap sa hangin na ipinagtaka ng dalawang lalaki na bantay ni Anasia. “Ano pang ginagawa niyo? Tulungan niyo kami!” kunwari ay pagsusungit ni Reynan bago mga ito makahalata nang hindi dapat nila mahalata. Nagkunwari naman si Anasia na nakainom ng tubig. Umubo-ubo ito at um-acting na hindi makahinga nang maayos. Nataranta ang dal

