*****REYNAN***** “Dahan-dahan lang, dude. May hinhintay pa tayong kasama.” Nakakailang shot na sila ng hard wine na kanilang in-order nang sabihin iyon ni Tyron sa kanya. “At sino naman?” manghang tanong niya. “Basta kilala mo siya,” pa-mystery effect na sagot ni Tyron. Kanina ay nagulat na lamang siya nang tumawag si Tyron at nag-anyaya na uminom. Para ba’y normal na ang mundo at wala nang pandemic. Gayunman ay pumayag siya dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng uhaw sa alak. Ninais niya agad na malasing nang makalimot siya kahit panandilaan lamang. Binasa ni Tyron ang mensahe na bagong pasok sa mamahaling cellphone nito. “Nandito na raw siya, ah,” pagkuwan ay sabi at lumingon-lingon. “Sino ba kasi? Akala ko ba tayo lang?” Nakigaya siya. Tumingin-tingin din siya sa paligid. Tinin

