*****ANASIA***** Hindi alam ni Anasia kung anong irereaksyon ukol sa kanyang narinig. Halos panawan ng kulay ang mukha niya habang nakatitig lamang siya Reynan. Awang ang mga labi niya’t bahagyang nakakunot ang noo. Lihim na humihiyaw rin ang kanyang puso. Hindi maaari! Hindi maaaring sina Reynan at Vernon ang kambal! Diyos ko! “Believe me, Dad! Scammer ang lalaking ‘yan! Ang dapat sa tulad niya ay ipinapakulong para hindi na makapanluko pa ng ibang tao!” duro ni Vernon kay Reynan. “Hindi, Vernon! Naniniwala ako na siya ang tunay na Jernon dahil dala niya ang mga ebidensya na kailangan ko!” ngunit giit ni Chairman Diosdado. Ang mga kamao nito ay mariing nakakuyom sa magkabilang tagiliran. “Huwag kang mag-alala, handa akong magpa-DNA kung kailangan. Hindi pekeng DNA test,” sabi nama

