PART 81

2348 Words

*****REYNAN***** Nasa harap na siya ng pinto ng kuwarto ng ama. Hapon na at kanina pa tapos ang munting salu-salo na ipinagkaloob sa kanya ng ama upang makikilala niya ang kanilang angkan. Hindi ginawang umabot na matagal dahil bawal pa ang salu-salo dahil sa pandemic. Ipinilit lang ng Chairman. At pinatawag siya ng ama kaya pinuntahan niya ito sa kuwarto nito sa east wing ng mansyon. Matapos ang pagpakawala niya ng buntong-hininga ay kumatok na siya sa pinto. May nagbukas niyon agad. “Pasok po kayo, Sir Jernon.” Ibinuka ni Secretary Vega nang husto ang pinto, lumagay sa tabi, at inilahad ang loob ng magarang silid ni Chairman Diosdado. Lumakad siya papasok. “Lumabas ka muna, Secretary Vega. May pag-uusapan lang kami ng anak ko,” utos ng Chairman sa tauhan. Nakahiga ito sa kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD