*****REYNAN***** “Nagkausap ba kayo ng taong iyon?” hindi makapaniwalang tanong pa rin ni Reynan kay Tyron. Ayaw niyang maniwala dahil ayaw niyang umasa. “Sigurado ba siya, dude? Did he check it properly? Baka naman na-overlook niya lang. Baka hindi niya lang napansin ang mga pangalan nila?” “Dude, sinearch niyang maigi sa database kasi pinasigurado ko rin talaga at sabi niya sure na sure raw siya. Nakita nga niya nang ilang ulit din ang pangalan mo at ni Anasia.” “Paano kung—“ “Isa lang ang paraan para makasigurado ka, dude.” “Anong paraan?” Gulong-gulo siya kaya tila ayaw nang gumana ang utak niya. Mahigpit na naikuyom niya ang mga palad pagkatapos ihilamos sa mukha. “Simple lang, dude, samahan mo si Anasia sa PSA na kunin ang marriage certificate nila ni Vernon,” seryosong payo n

