*****VERNON***** “What?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?!” galit na galit na bulyaw ni Vernon sa kausap sa cellphone. “Yes, Sir. Kumuha ang asawa niyo ng marriage certificate kasama ang isang lalaki. Nandito pa po sila,” ulit nga ng lalaking tumawag sa kanya. “Bantayan mo silang maigi riyan. Huwag mo silang hahayaang makaalis. Papunta na kami riyan,” nagpupuyos sa matinding galit na sabi ni Vernon na ibinaba ang cellphone. “Nasa PSA ang asawa ko, mga inutil!” tapos ay sabi sa dalawang tauhan na lagi niyang kasama kasabay nang pagtayo’t lumakad na paalis sa conference room. Wala siyang pakialam kung may mga ka-meeting siya at narinig lahat ang mga sinabi niya. Dali-dali na dinukot ng tauhan ang cellphone nito. Alam agad ang gagawin. “Ipasara mo lahat ng puwede nilang daanan kung sakal

