PART 84

2007 Words

*****ANASIA***** “S-Sino ka...?” “Okay na kayo, Madam?”Animo’y nakakita ng multo ang babaeng nagpupunas sa kanyang mga kamay ng maligamgam na tubig. Biglang bawi siya sa kamay at tinangkang bumangon. “Huwag muna kayong kikilos, Madam. Ang mga sugat niyo. Hindi pa masyadong magaling,” nahintakutang sabi ng babae. Hindi niya ito pinakinggan. Pumuwesto pa rin siya paupo sa ibabaw ng kama. Sapo ng kamay ang kanyang ulo na napupuluputan ng bandage. Napangiwi siya nang makaramdam siya ng kirot sa kung saang-saang bahagi ng kanyang katawan. Mas nagtaka siya, Bakit may mga sugat siya? “Madam...” Nag-alalang inalalayaan siya ng babae. “Anong ginagawa mo rito sa kuwarto namin?” tanong niya pa. Napadaing siya ng banayad niyang dinama ang isang balikat na para bang inaawat ang pagsakit niyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD