*****REYNAN***** Bago tuluyang nawalan ng malay si Reynan ay narinig niya ang palitan ng mga putok ng baril. Pagkatapos ay naramdaman din niyang may pilit nagbukas sa nayupi ring pintuan ng sasakyan, sa banda niya. “Diyos ko, Anasia,” boses ng lalaki na kanyang narinig. “Boss, tumba na lahat ng naroroon sa sasakyang sumusunod sa kanila,” sabi naman ng isang lalaki. Sila ang may kagagawan ng barilan. Sa isip-isip ni Reynan. At sino ang boss? Hindi naman boses ni Vernon. Ipinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata ngunit pati iyon ay hindi na niya kaya. Kay bigat ng kanyang mga talukap ng mga mata gawa ng kanyang dugo na umaagos mula sa kanyang ulo. “Sige, bilisan na natin ang kilos bago pa dumating ang iba pang mga tauhan ni Vernon,” mando na ng lalaki na alalang-alala para kay Anas

