*****REYNAN***** Pabagsak na ibinaba ni Reynan ang dumbbell na ginagamit nilang mga lalaki sa bahay upang makapag-exercise. Nayanig ang sahig ng terrace na kinaroroon sa bigat niyon. Gawa na hindi na naman puwedeng lumabas ang mga tao dahil sa lockdown na hiningi ng mga frontliners ay wala silang magawa kundi ang mag-exercise, kumain, manood ng TV, at matulog. At labing tatlong araw na ang lumipas. “Naku, naku, nagbubuhat ka na naman niyan, Sir Jernon. Baka bigla ay bumuka ang mga sugat mo,” mula sa likod ay nag-alalang boses ni Aling Selia. Inihatid nito sa terrace ang orange juice para sa apat na binatang itinuturing nang mga anak. “Ayos na po ako, Aling Selia. Kaya ko na po ang sarili ko,” aniya sa matanda nang kanyang lingunin at ngitian. “Pero kagagaling mo lag sa aksidente. I

