"Audrey?" sambit ni donya Berta sa aking pangalan. At napalingon naman ako sa kaniyang kinaroroonan. "M-magandang araw, donya Berta," bati ko rito na may pangamba na baka magalit siya sa akin kapagmalaman niya ang totoong nangyari noon sa amin ni don Miguel. "Audrey..." bigla niya akong niyakap at napansin ko na umiiyak ito. "Buti nagbalik ka, Audrey. Matagal ka na naming hinihintay ni Miguel," aniya at nagulat naman ako. Kahit si William ay parang nagulat rin. Niyaya kami ni William na umupo at nagtungo kami sa sala. "Tama ka, Mama. Mayroong dahilan kung bakit hindi siya sumipot noon," malungkot na sabi ni William. At nahulaan naman agad ni donya Berta ang ibig-sabihin ni William. "Dahil ba nalaman mo na si William ay anak ni Miguel?" tanong ni donya Berta sa akin at tumango naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books