INIWAN ko si William sa loob, kahit labag ng aking puso. Mas sinunod ko ang laman ng aking isip, dahil ayaw kong masaktan ang damdamin ng kaniyang nobya at ni Ryoichi. Nang makalabas ako ay bahagya akong huminto at pinunasan aking mga luha. Nagulat ako sapagkat nasa harapan ko si Ryoichi at si Rowena. Na tila naghihintay sila sa amin ni William. "Are you okay? He hurting you?" sunod-sunod na tanong ni Ryoichi. Na halatang nag-alala sa akin. "I'm fine, let's go home." Hinawakan ko ang kamay ni Ryoichi at umalis na kami. Pinuntahan namin sina Mama at agad kong kinuha ang aking anak sabay yakap ng mahigpit at muli na naman akong umiiyak. "Audrey, are you okay?" Pag-aalalang tanong ni Mama. "Ma, let's go home." Naintindihan naman ako ng aking ina at pumayag na uuwi na kami. "Mommy