Aalis na sana sina Mama nang pigilan siya ni William. "Wait!" Huminto naman si Mama at kinuha ni William ang kaniyang wallet at may dinukot siyang isang maliit na kulay bulang tela. At binuklat niya ito saba kuha niya ng pendant at lumapit siya sa aking anak. "Naalala ko na iyan ang kalahati ng pendant," bulong ko sa aking sarili. Nakangiting pinagmasdan ni William ang mukha ng aking anak habang dinidikit niya ito at nabuo ang word na 'LOVE'. "Wow... Mommy, look!" gilalas ng aking anak. "It's a magic," tugon ni William. Malakas ang kutob ni William na anak niya ang bata. Dahil magaan ang loob niya dito. "Baby, what is your name?" tanong niya. "My name is Wellaurrey Nishiko Bostamante," tugon ng aking anak. Napatulala si William sa kaniyang narinig. At hilam sa luha na muli