Sa pagkakataong ito ay parang biglang gumaan ang aking kalooban nang matanggal ko ang malaking tinik sa aking puso. At lihim akong nagpapasalamat dahil hindi ako hinuhusgahan ni William. "Wait for a minute," sabi ni William sabay tayo niya at binuksan ang kaniyang maleta. Ako naman ay panakaw-tingin ko siyang pinagmasdamln at masaya ako. "Here's my gift, I hope you like it!" sabay abot niya sa akin ng isang maliit na box. "Ano ito, William?" "Open it!" nakangiti niyang utos sa akin. Binuksan ko naman ito at tumambad sa aking mata ang isang Diamond ring. Kinuha niya ito at ang aking kamay. "Mask Butterfly, I love you— I want to marry you. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, hanggang sa handa mo ng tanggalin ang iyong maskara." Walang gatol niyang pahayag sa akin. Walang mapa