ONE MONTH LATER MASAYA ako nang makababa kami ni Mama Michiyo mula sa eroplano at agad kong hinahanap sila Nanay at Tatay. "Audrey?" Boses ng aking kuya at napalingon ako sa kanilang kinaroroonan. "Kuyaaaa?!" Patakbo kong tinungo ang aking kapatid. "Ang ganda na ng bunso namin, ah!" gilalas ni kuya sa akin habang nakayakap ito. "Na-miss kita kuya," sambit ko sa aking kapatid. "Nanay... Tatay!" sambit ko rin sa aking mga magulang. At sabay yakap ko sa kanilang dalawa dahil sobra ko silang na-miss. Hindi ko mapigilang mapaluha habang yakap ko silang dalawa. At ganoon rin sila. Pagkatapos ay binati rin ng aking pamilya si Mama Michiyo at tuwang-tuwa rin siya sa para sa'kin. Hanggang sa nagtuloy na kami sa isang hotel at doon ito sa aming bayan. Kung saan nagpa-reserve sina kuya, dah