Matapos akong iwan ng incubus na si Kiel ay kaagad na akong bumalik sa palasyo. Wala na rin namang rason para manatili pa dahil tapos na ang aking tungkulin sa babaeng iyon. She's safe now. Pagkarating ko roon ay nakita ko kaagad si Lyo na naglalakad-lakad lang sa palibot ng palasyo. Kaagad akong nagmadali dahil kailangang-kailangan ko siyang makausap. He still needs to answer all the questions running on my mind. I was about to approach him when I saw Viann walking towards him. Napatigil tuloy ako at piniling magtago sa likod ng mga halaman. Mabuti na lang talaga at nasa palasyo kami, mahihirapan si Lyo na maramdaman ang presensya ng ninumang anghel. Actually, lahat kami, mahihirapan dahil sa malakas na aura ni Diyosa Cashmir. "Lyo," tawag ni Viann sa anghel. Mukhang nabigla naman ang

