HELLEIAH NAGISING akong nakahiga sa aking sariling kama. Argh, nawalan na naman ako ng malay! Kada umiilaw ang 'di pamilyar na marka sa aking dibdib ay ganito ang nangyayari sa akin-nawawalan ng malay. Pero sa pagkakataong ito, iba na...may bago na; may isa pang markang lumitaw, pero sa pagkakataong ito ay nasa likod na ng aking palad. Bigla namang nanlaki ang aking mga mata nang may maalala ako. Pero hindi, e. Imposibleng mangyari 'yun dahil wala naman akong natatandaang may ginawa akong magdudulot no'n. At may isa pang bumabagabag sa isip ko. Iyon ay nang unti-unti nang nawawala ang aking ulirat at nakita ko ang mukha ng incubus na si Kiel at nakangiti pa sa akin. Pero ang mas weird pa ay nang makaramdam ako ng saya nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha. Posible kayang si Kiel a

