HANNAH NATIGIL SI l**t sa kanyang ginagawa nang dumating ang Diyosa Cashmir. Naiyak ako sa tuwa. Kahit na hindi niya sabihin, alam kong pumunta siya rito para sa akin. Maging ang mga kasamahan ko, kahit na masasamang tingin ang ibinigay nila sa akin noong huli ko silang nakita, alam kong sa likod no'n ay ang matinding pag-aalala at pagmamahal nila sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala nila nagawa ang mga bagay na iyon ay para na rin sa aking sariling kapakanan. "How dare you declare war against me, Cashmir?" nakangising tanong ni l**t bago siya tumayo at hinarap ang Diyosa. Ipinitik niya ang kanyang kamay at muli akong iginapos sa haligi. "I did not. You declared war against me, l**t. No'ng inatake at pinagpapaslang ninyo ang mga anghel ko, nagdeklara ka na ng giyera. At na

