UNTI-UNTING pumasok sa aking tainga ang hindi ko maintindihang ingay. Tila hindi pa malinaw ang aking pandinig. Nasaan ba ako? Did I just get reincarnated? Nang naging malinaw na ang aking pandinig ay narinig ko ang tunog ng apparatus na sumusukat sa aking pulso at heart rate. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nang una ay malabo pa ang nakikita ko, pero kalaunan ay nakita ko ang puting kisame at bumbilya ng ilaw. Napapikit ako nang bahagya akong masilaw. Iginalaw ko ang aking mga kamay at sinubukang itakip sa aking mukha pero hindi ko nagawa dahil wala akong ni katiting na lakas para gawin iyon. "Nurse! Nurse!" Iyon ang aking narinig na sinundan ng marahas na pagbukas-sara ng pinto. Pinilit kong igalaw ang aking ulo papunta sa direksyon kung nasaan ang pintuan. At doon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


